-- Advertisements --

tausog heroes4

Nagkaroon ng “reunion” ang mga sundalong C-130 crash survivors sa kanilang mga rescuers na tinaguriang mga Tausog heroes.

Binisita ng mga first responders ang mga sundalong survivors na patuloy na ginagamot sa Camp Navarro General Hospital at Zamboanga City Medical Center sa Zamboanga City.

Kasama ng mga ito na bumisita sa mga nagpapagaling na mga survivors ay si 11th Infantry “Alakdan” Division commander M/Gen William Gonzales.

tausog heroes1

Isinama ni Gen. Gonzales ang mga first responders na sina CAA Madzkur Sahibbon, CAA Sharief Abridge Abdua at CAA Benhar Awaluddin at ang army applicant na si Erham Awaluddin para makita ang mga sundalong kanilang ni-rescue sa kasagsagan ng pagbagsak ng C-130 sa Patikul, Sulu.

Layon lamang daw ng heneral na ma-uplift ang spirit ng mga nagpapagaling na mga sundalo dahil hindi biro ang sinapit ng mga ito.

Ang responder na si Erham Awaluddinm, 22, isang construction worker ay naging tanyag nang mag-viral ang video na kaniyang iniligtas si Pfc. Ganney Ligayan.

Habang sina CAA Madzkhur Sahibbon, CAA Benhar Awaluddin, at CAA Sharief Abridge Abdua ay kabilang sa 27 CAA’s na tumakbo at tumulong sa pag-rescue sa mga sundalo.

tausog heroes3

Ayon kay Gen. Gonzales ang reunion sa pagitan ng mga Tausog heroes at mga tropa ay puno na emosyon na nagpapatunay ng pakikipag kaibigan anuman ang lahi Muslim o Kristiyano.

Sinabi ni Gonzales, talagang sumaya ang mga sundalong naka-confine sa hospital ng makita ang kanilang mga rescuers, bakas sa kanilang mukha ang tuwa at nakangiti lalo ng makausap nila ito.

Giit ni Gonzales na suportado ng mga doktor ang nasabing hakbang sa kabila ng pandemya dahil malaking tulong ito sa healing process na mga survivors.

tausog heroes2

Sinabi ng heneral ito ay isang kwento ng pagkakaisa at ng pag-asa, kung saan nakikita ang katatagan ng karakter ng isang Pilipino, gayundin ang army bilang isang organization na patuloy na magiging matatag para sa bayan.

Sa pagbisita ni Gonzales kaniyang binigyan ng prutas at cash assistance ang mga survivors, habang namahagi din ang mga Tausog heroes ang mga sundalo ng Bangbang Sug (Tausug delicacies) na kanila namang kinain habang nakikipagkwentuhan.