Umakyat na sa 88 milyon ang bilang ng mga Pilipinong nakapagparehistro sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) ID o national ID.
Unang itinakda ng pamahalaan ang 92 millyong bilang na magpaparehistro sa ilalim ng national ID.
Ayon kay Deputy National Statistician Fred Sollesta malapit nang maabot ang naturang bilang sa pamamagitan na rin ng tuloy-tuloy na paglapit ng kanilang serbisyo sa mga mamamayan.
Mula sa halos 88 million na ito, nagawa na aniyang maibigay o maipadala ang hanggang sa 51.5 milyong physical card sa mga may-ari habang tatlong milyon naman ang kasalukuyan nang dinadala sa mga may-ari.
Sa kasalukuyan ay mayroon namang 25 na digital version o mga ID na maaari nang maimprenta sa mga registration center ng ahensya.
Ang national ID ay ang itinuturing na pinakamabisang magtuturo sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.