-- Advertisements --

Ililipat na sa mga temporaryong treatment and facilities ang mga pasyente na nadadapuan ng COVID-19.

Sinabi ni Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega, na simula sa susunod na buwan na ang mga pasyente na mayroong moderate at severe cases ay dadalhin na sa modular hospitals na matatagpuan sa Quezon Institute.

Ang nasabing pasilidad ay kayang humawak ng 110 na pasyente at ito ay pangangasiwaan ng Jose Reyes Memorial Medical Center.

Sa kasalukuyan kasi ay umabot na sa moderate risk category ang mga pagamutan sa bansa kung saan nasa 60 percent na ang pagamutan ang nagamit na.