-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Umakyat pa sa 519 ang total coronavirus disease o COVID-19 infections sa bayan ng Midsayap Cotabato.

Huling nakapagtala ng kaso nito ang bayan noong biyernes, July 23, 2021, kung saan anim na Midsayapeño ang bagong nagpositibo.

Dahil dito, sumampa na sa 126 ang bilang ng mga aktibong kaso.

Nananatili sa 368 ang total recoveries habang nasa 25 naman ang mga pumanaw.

Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan na mahigpit pa ding sundin ang minimum health protocols kontra COVID-19 upang hindi na lumaganap pa ang nakamamatay na virus.