Hinamon ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang mga nagrereklamong pulis na dalhin o idulog nila sa PNP grievance committee ang kanilang mga reklamo at huwag idaan sa media.
Ayon kay PNP spokesperson SSupt. Dionardo Carlos dapat magbigay sila ng katibayan at kanilang patunayan na wala silang kasalanan.
Sinabi ni Carlos na madali lang naman magreklamo kaya dapat patunayan nila ito.
Binigyang-diin ni Carlos na ang mga pulis na pinadala sa Basilan ay talagang may kinakaharap na reklamo.
Magkakaroon ng dagdag na administrative case ang mga pasaway na pulis na hindi sumipot sa kanilang bagong assignment sa Mindanao.
Ayon kay PNP spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na madadagdagan ang administrative case ng mga pulis gaya ng AWOL absence without leave, insubordination or defiance to a lawful order.
Nasa 53 na mga pasaway na pulis ang ang bumiyahe kaninang umaga patungong Zamboanga City.
Samantala, umiwas naman sa pagbibigay ng pahayag si PNP chief police Director General Ronald dela Rosa kaugnay sa mga pulis na ipinadala sa probinsya ng Basilan ngayong araw at maging sa pagbaliktad ni retired police na si Arthur Lascanas.