Dahil umano sa pagkaantala ng pagbubukas ng mga polling precinct sa isinagawang halalan ngayong taon ay hindi agad nakapagsara ang mga presinto sa itinakdang oras na alas-6:00 ng gabi.
Sa ipinatawag na press conference ngayong gabi ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, aabot lamang sa 6.8 percent ng mga polling precinct ang nagsara on time.
Paliwanag niya flexible daw ang oras sa botohan para mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na naabutan na ng alas-6:00 sa mga polling precinct.
Nag-e-extend daw by default o walang eksaktong oras ang mga presinto hanggat hindi natatapos ang lahat ng nakapila at mga nagpalista matapos maabutan ng closing time.
Samantala, binubusisi na raw ng Comelec ang mga pumalyang vote counting machines (VCM) na aabot sa 400 hanggang 600 o katumbas ng 1,000 SD o memory cards.
Wala pa namang hawak ang kagawaran sa voter turnout ngayong taon.