GENERAL SANTOS CITY – Nakauwi na ang karamihang mga nagsilikas na residente ng General Santos City kagabii dahil sa pagbaha.
Ayon kay Dr. Bong Dacera, head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lungsod na 12 mga barangay ang apektado ng pagbaha.
Ito ay kinabibilangan ng Barangay Apopong, Fatima, Tambler, Calumpang, San Isidro, Lagao, Mabuhay, Labangal, Baluan, Sinawal, City Heights at Bula.
Sa pahayag ni Dr. Dacera na 20 pamilya ay nagsilikas kagabii mula sa Barangay Lagao, 60 sa Apopong at 60 sa Labangal.
Sa kanyang naging pahayag na dalawang bahay sa Barangay City Heights ang nasira na nasa creek.
Dagdag pa nito na walang binawian ng buhay o nasugatan sa naturang insidente.
Habang kaninang umaga nahirapan ang mga motorista na dumaan sa Lagao-Alabel road dahil sa tubig baha.
Ang pagbaha sa GenSan ang epekto ng napakalas na ulan dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).