DAVAO CITY – Ibinunyag ni ka Marikit o Arian Jane Ramos sa tutuong buhay at dating kasapi ng NPA na mapahanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatanggap ang mga benepisyo mula sa gobyerno kagaya na lamang ng ipinangakong E-CLIP Program, mula ng sila ay nagbalik loob sa pamahalaan.
Kung kaya’t hinamon ni Marikit ang pamahalaan na sulosyonan ang problema at sitwasyon ng mga dating rebelde.
Sa kabilang dako ay pinasalamatan naman nito ang 1003rd Infantry Brigade at 10th Infantry Division sa pagtulong at pagbigay ng hanapbuhay sa mga dating rebelde.
Binigyang diin din nito na karamihan umano sa mga dating rebelde ay mga kasapi ng Indigenous groups kung saan ay may posibilidad na baka magbalik ang mga nasabing indibidwal sa makakaliwang grupo kung hindi maibibigay ng pamahalan ang tulong para sa kanila.
Sa kabilang dako ay ipinangako naman ni Lt. Gen. Filmore Escobal commander, APC-EMC Commander na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga dating rebelde, pero may mga pagkakataon umanong naaantala ang tulong para sa mga nasabing indibidwal lalo pa at dadaan umano muna sa tamang proseso ang mga kakailanganing dokumento.