-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ngayon ng department of Health na kabilang sa mga nagsabong ang walo sa siyam na mga pasyente na nagpositibo sa delta variant ng COVID -19 sa lungsod ng Sta. Maria Davao Occidental.

Ayon kay Dr. Rachel Joy Pasion, DOH-Davao Regional Epidemiology Surveillance Unit head na ito ang lumabas na resulta sa kanilang ginawang pag-verify ng ahensiya.

Una ng sinabi ng DOH Davao na nasa 22 na mga bagong covid 19 delta cases ang na-detect sa davao region na bahagi ng 516 ng additional delta cases sa bansa.

Base sa breakdown, ang Sta Maria ang may pinakamaraming delta cases na na-detect na umabot sa siyam, sinundan ito ng Mati City at lungsod ng Davao na may tig-apat na kaso, sunod ang Digos City adunay 3, at may tig-isa rin sa island garden city of samal at sa Magsaysay davao del sur.

Samantalang nauna na rin na sinabi ni Dr. Doreen Lolette Arciaga, incident commander for Covid-19 Response ng Sta. Maria, Davao Occidental, na ang pagtaas ng covid cases sa rehiyon ang resulta sa mga mass gatherings, partikular na sa sabong at iba pang klase ng sugal.

Karamihan sa mga pasyente ay nakalabag sa iba’t-ibang mga health protocols base na rin sa isinagawang contact tracing history.