-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umabot na sa 83 ang mga bagong nahawaan ng COVID-19 sa Iloilo City Hall.

Sa nasabing bilang, 54 ang new cases mula sa iba’t ibang department at 29 ang nagmula sa City Treasurers Office at patuloy na nagpapagaling.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, tagapagsalita ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nito na karamihan sa mga nagpositibo sa virus ay asymptomatic.

Dalawa lang anya ang nakaranas ng flu-like symptoms.

Sa ngayon ayon kay Conlu, may mga hinihintay pa sila na resulta ng RT-PCR test mula sa libo-libong na swab.

Nagpapatuloy naman ang contact tracing sa naka-close contact ng mga infected ng virus.