Kumpyansa ang Presidential Anti-Organized Crime Commission na pagmimina ng uranium ang pangunahing layunin ng aabot sa labing isang Chinese nationals na naaresto sa Paracale, Camarines Norte.
Ayon kay PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio, ang mga nakumpiskang extraction technology sa lugar ay ginagamit sa paghuhukay ng uranium.
Malaki rin aniya ang posibilidad ng pagkakaroon ng naturang metal element sa naturang lugar.
Samantala, nilinaw ni Casio na sa ngayon ay hindi pa kumpirmado kung ito nga ang ginagawa ng nasabing mga Chinese nationals sa lugar.
Ang uranium ay maaaring gamitin bilang power commercial nuclear reactors na siya namang lumilikha ng kuryente.
Nakakapag produced din ito ng isotopes para sa medical, industrial at iba pang gamit.
Isinagawa ng mga otoridad ang naturang operasyon dahil nga sa impormasyon na mayroong mga foreign national ang nagsasagawa ng ilegal na pagmimina sa lugar at pagkakaroon lamang nito ng tourist visa.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.