-- Advertisements --
Nagtala ng pagtaas ang naibentang mga sasakyan sa first quarter ng taon.
Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association na mayroong 12.7 percent na pagtaas ang kanilang naitala.
Katumbas ito ng 109,606 na sasakyan mula Enero hanggang Marso.
Mas mataas ito ng 97,284 units kumpara noong 2023 sa parehas din na buwan.
Sinabi ni CAMPI president Rommel Gutierrez na karamihan na tumaas ay ang mga commercial vehicles na sinundan ng passenger car.
Tiwala sila na kanilang maaabot ang target sales ngayong taon at hihigitan nila ito noong nakaraang taon.