-- Advertisements --
Nasa halos 30 milyon na Philippine ID ang naimprenta na ng Philippine Statistics Authority at halos 15.5-M na ePhiLID na rin ang kanilang naimprinta.
Sinabi ni PSA Undersecretary at National Statistician Dennis Mapa na tuloy-tuloy ang kanilang house-to-house distribution ng mga ID.
Suportado rin nito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na isama ang mga private sectors sa digitalization ng national ID System.
Dagdag pa ni Mapa na handa silang makipagtulungan sa mga private sectors para agad na mapakinabangan ng nasa 75 milyon na registrants ang benepisyo ng digital ID.