CENTRAL MINDANAO- Nanguna si Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr katuwang ang mga kawani ng Municipal Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO) sa pagligtas sa mga residente na naipit sa baha.
Ang mga apektadong pamilya sa baha ay agad dinala sa mga ligtas na lugar.
Mabilis namang kumilos ang LGU-Kabacan at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at namahagi ng tulong sa mga pamilya na binaha.
Ayon kay Mayor Herlo Guzman Jr na halos lahat ng mga Barangay sa bayan ng Kabacan ay binaha.
Ang pagbaha ay dulot malakas na buhos ng ulan at pag-apaw ng Pulangi River dahil sa sama ng panahon.
Matindi rin ang ulan sa bahagi ng Bukidnon kaya ang ragasa ng baha sa Agusan river ay bumagsak sa Pulangi River patungong North Cotabato at Maguindanao.
Samantala,lubog rin sa baha ang Pikit Cotabato dahil sa pag-apaw ng Pulangi Riverat Liguasan Marsh.
Maraming mga residente ang lumikas patungo sa mga ligtas na lugar na agad binigyan ng tulong ng LGU-Pikit.
Matagal ng hiling ng mga residente sa Central Mindanao sa gobyerno mula pa sa administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo ang dredging operation sa Rio Grande de Mindanao,Pulangi River at Liguasan Marsh dahil mababaw na konting ulan lang ay aapaw na pero hanggang ngayon di parin nabigyan aksyon.
May pondo na sa dredging operation pero na divert sa ibang proyekto ng pamahalaan.
Sa ngayon ay nagsagawa na ng flood assessment ang Cotabato Provincial Government sa mga bayan na binaha.