-- Advertisements --

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa latest tally ng Depatyment of Health (DOH), mula sa 18,638 ay bumaba na sa 17,382 ang pinakahuling naitalang mga bagong impeksyon ng nasabing virus sa bansa.

Nasa 8,736 dito ay mga asymptomatic, 199,893 naman ang mga may mild symptoms, 3,114 naman ang moderate, habang nasa 1,526 naman ang severe, at nasa 318 naman ang mga nasa kritikal na kondisyon.

Sa ngayon ay nasa 213,587 ang bilang ng mga pasyenteng sumasailalim sa treatment, habang nasa 3,528,796 naman ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula nang magsimula ang outbreak sa Pilipinas.

Ayon sa datos ng DOH, nasa 35,382 na ang bilang ng mga bagong gumaling mula sa nasabing sakit, na magtutulak naman sa 3,261,338 o may katumbas na 92.4% na kabuuang tally ng mga nakarekobor dito.

Pumalo naman sa 33.3% ang naiulat na positivity rate base sa 56,447 katao na sumailalim sa testing noong Huwebes.

Ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong araw na iyon ngunit tatlo ang nabigong magsumite ng kanilang data sa Covid-19 Document Repository System.

Ang mga kinauukulang laboratoryo ay nag-ambag, sa karaniwan, 0.6% ng mga sample na nasuri at 0.7% ng mga positibong indibidwal, batay sa data sa nakalipas na 14 na araw.

Sa buong bansa, 48 porsiyento ng 3,900 intensive care unit (ICU) na kama, 48 porsiyento ng 20,800 isolation bed, at 50 porsiyento ng 15,900 ward bed na nakatuon sa mga pasyente ng Covid-19 ay okupado.

Sa Metro Manila, humigit-kumulang 40% ng 1,300 ICU beds, 37% ng 4,800 isolation bed, at 43% ng 4,400 award beds ang napuno.