LAOAG CITY – Kumpiyansa ang mga overseas Filipino workers (OFW) sa Russia na hindi kakalat ang novel coronavirus sa nasabing bansa.
Ito ay sa kabila na may dalawa nang kaso ng nasabing sakit sa Russia kung saan ang mga biktima ay pawang Chinese nationals at naka-quarantine na.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ystiel Mina, tubong Tagudin, Ilocos Sur pero kasalukuyang nagtatrabaho sa Moscow, sinabi niya na matapos may maitalang kaso ng nCoV sa Russia ay agad nagpatupad ang gobyerno ng ban sa mga tourist groups mula sa China.
Maliban dito, sinabi ni Mina na agad pinatigil ng gobyerno ang pag-issue ng e-visa para sa mga Chinese nationals.
Sinabi pa ni Mina na lahat ng mga taong naka-face mask sa nasabing bansa ay hinuhuli ng mga otoridad at dinadala sa hospital para ipa-checkup.
Dagdag niya na sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay masigurong walang nahawaan ng virus ang dalawang Chinese national na nasa quarantine.