CEBU CITY – Susuriin ng Department of Health (DOH-7) ang mga nakatira sa five-kilometer radius sa populated area malapit sa Butuanon River sa lalawigan ng Cebu.
Ito ay upang malaman kung may mag residente bang nagkaroon ng sintomas ng polio at makuhanan na rin ito ng laboratory samples.
Nabatid na dumalo sa coordination meeting si DOH-7 director Dr. Jaime Bernadas kasama ang mga alkalde ng Cebu City at Mandaue City upang gumawa ng mga hakbang matapos na magpositibo sa poliovirus ang Butuanon River.
Ayon kay Bernadas, aalamin ng nasabing ahensya kung may kompleto na bang bakuna ang mga bata mula 5-years old pababa, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog.
Bukod sa Cebu City at Mandaue City, susuriin diin ng DOH ang lungsod ng Lapu-Lapu at Consolacion kung ano ang sitwasyon na siyang daanan ng nasabing ilog.
Una nang sinabi ni Bernadas na wala pang naitalang kaso ng polio sa buong Central Visayas.