-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Tumaas na naman ang lebel ng tubig sa Pulangi river sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao.
Dahil dito ay inalerto ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga nakatira sa gilid ng ilog sa Pagalungan at Datu Montawal Maguindanao.
Posibleng tamaan rin ng baha ang bayan ng Pikit at Kabacan Cotabato.
Ang pagtaas ng lebel ng tubig ng Pulangi River ay dulot ng madalas na pag-ulan dahil sa sama ng panahon.
Rumagasa rin ang baha mula sa Bukidnon at Agusan River patungong Pulangi River.
Sa ngayon ay naka-antabay na ang bawat LGU sa posibling pagragasa ng baha sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao.