Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na malaki ang posibilidad na ginagamit ngayon ng Maute terror group ang mga ninakaw nilang mga weapons at ammunition mula sa PNP at sa pinasok na provincial jail.
May report din ang militar na ang mga nakatakas na preso ay sumanib sa teroristang grupo na kanilang katuwang sa pakikipaglaban kontra sa mga government forces.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na hindi nila dini-discount yung posibilidad na ginagamit ngayon ng Maute ang mga nawawalang armas at bala.
Sinabi ni Padilla na   kabilang sa nakuha ng Maute ay ang APC tank ng PNP Special Action Force (SAF) na target ngayon sa recovery ng mga government forces.
“Most likely. They previously burned the jail, freed prisoners and got what they can use including weapons and ammunition to include those in the captured APC of the PNP, ” wika ni Padilla.