-- Advertisements --

Muling siniguro ng Board of Investments na maipapasok ang nakuhang foreign investment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng kanyang mga naging foreign trips sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay BOI Executive Director for Investments Promotion Services Evariste Cagatan na nagmomonitor ang Chief Executive sa mga nakuha niyang mga pamumuhan na umabot na sa P3.48 Trillion mula sa iba’t ibang bansa sa mundo para makapaghatid ng trabaho at mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ni Catagan na nagsasagawa na ang kanilang tangapan ng iba’t ibang mga pag-aaral upang mabilis na makakapasok ang mga investment pledges na nakuha ng pangulo, isa na nga rito ang pagpapabilis ng prosesso sa mga hinihinging requirements sa bansa at maibigay ang kanilang hinihinging mga serbsiyo mula sa pamahalaan.

Kaugnay nito, karamihan ng mga naturang pamumuhunan na pumasok sa pilipinas ay mula sa sektor ng renewable energy kaya naman kinakailangan nito ng technical requirements tulad ng mga lupang pag tatayuan nito at nakahanda namang umalalay ng pamahalaan upang matugunan ang mga ito.