-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Ipinakita ng Police Regional Office 12 kay Comelec Chairman Atty. George Erwin Garcia ang mga nakumpiska, narekober, dineposito, inabandona at mga forfeited na armas kasabay ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) Gunban ang ibat-ibang uri ng mga armas.

Itoy kasabay ng pagdalo ni Atty Garcia sa 2nd Regional Joint Security Control Center Conference (RJSCC) na isinagawa sa Covered Court, PRO 12, Tambler, General Santos City nitong araw.

Sa presensya si Atty. Garcia, ayon kay PCol. Nicomedes Olaivar na malinaw ang mensahe na sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga nakumpiska at isinukong mga armas, ipinakita rin ng PRO12 ang kanilang pagtitiwala sa demokrasya ay kaligtasan ng proseso sa eleksyon.

Ayon kay Atty. Garcia, generally peaceful ang Region 12 kung pag-uusapan ang eleksyon kayat halos lahat ng barangay ay nasa green category na nangangahulugang mapayapa ang lugar.

Samantala, sinabi nitong nasa 246 barangay naman sa buong bansa ang nasa red category kung saan nakonsidera na nasa watchlist at kinakailangan na imonitor dahil sa mga banta.