-- Advertisements --

Pinakawalan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasa mahigit 200 mga migratory bird sa Baliwag, Bulacan.

Ang nasabing mga ibon ay idineklarang endangered sa ibang bansa ay iligal na ibinebenta sa lugar.

Nakumpiska ang mga ito sa palengke na umaabot sa halagang P80,000.

Mabilis naman na nakatakas ang mga suspek kung saan ibinebenta ang ibon sa halagang tatlong piraso sa P100.

Sinabi ni DENR Central Luzon public affairs chief Don Guevarra na isang isolated incident ang pangyayari.

Ang nasabing mga ibon ay idineklara bilang endangered sa Hawaii, Northern Marianas Islands at Guam.

Nagbabala rin ang DENR na mahaharap sa anumang kaso ang sinumang mahuling nagbebenta ng mga migratory bird.

Mayroon din aniyang panganib na dulot ng paghuli ng mga migratory bird dahil sa posibilidad na may dala ang mga ito na virus at avian flu.