KALIBO, Aklan- Kabuuang 618 kilos na pork meat products ang nadisposed ng Department of Agriculture’s Bureau of Animal Industry Veterinary Quarantine Services, Provincial Veterinary Office, Bureau of Customs, Municipal Agriculture and Fishery Council at municipal government ng Kalibo, Aklan mula buwan ng Hunyo hanggang Hulyo makaraang makumpiska ang mga ito sa Kalibo International Airport (KIA).
Ito ay kasunod sa pagbawal ng gobyerno na makapasok sa bansa ang mga agricultural goods at meat products gaya ng canned pork and meat; frozen and cooked meat; assorted chicken; processed pork and beef; at assorted dried meat mula sa bansang pinangangambahan na apektado ng African Swine Fever (ASF) virus.
Kaugnay nito, binabawalan ang mga turista mula bansang China, Korea, Taiwan, Singapore, Malaysia, Macau at Hong Kong na magpasok sa bansa ng anumang produkto upang maiwasan na mahawaan ang livestocks sa Pilipinas.
Nagpapatuloy naman ang mahigpit na monitong ng Bureau of Customs sa mga paliparan lalo na sa bayan ng Kalibo dahil ang mga naturang turista ay nakasanayang magbaon ng sariling pagkain papuntang isla ng Boracay para sa kanilang bakasyon.
Una rito, noong Hulyo 23, nasa 242.5 kilo ng nasabing produkto ang sinunog ng mga awtoridad matapos nga nakumpiska ro mga raya sa paeoparan.
Habang noong Hulyo 9 ay mahigit 151.9 kilo ng processed meat products ang disposed sa sanitary landfill gayundin noong Hunyo ay kabuuang 223.95 kilo ang naidispatsa ng Bureua of Animal Industry.
Nabatid na pinagbawalan ng pamahalaan ang importation ng pork meat sa bansang Poland, Ukraine, Vietnam, South Africa, Mongolia, Zambia, Romania, Latvia, Belgium, Bulgaria, Moldova, Czech Republic, Cambodia, Hungary at Russia na pinaniniwalaang apektado ng ASF virus.