-- Advertisements --

Posibleng sirain na ng gobyerno ang mga hindi naibentang mga nakumpiskang smuggled luxury cars.

Kasunod ito sa dalawang beses na bigong isagawa ang biddings para sa mga “hot cars” para sana makalikom ng pondo.

Hindi kasi naging matagumpay ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Treasury at Land Bank of the Philippines na ma-dispose ang limang mga nakumpiskang smuggled luxury cars noon pang nakaraang taon.

Inilagay ng BOC na ang nasabing kabuuang presyo ng limang mga luxury vehicles ay P29 milyon.

Kinabibilangan ito ng 2008 Ferrari Scuderia 430 na may presyo na P23.2-M, isang 2001 Porsche Boxster na nagkakahalaga ng P1.79-M at tatlong Mercedez na nagkakahalag mula P1.2-M hangang P1.5-M.

Sinabi naman ni Deputy National Treasurer Erwin Sta. Ana na ipapaubaya nila kay Department of Finance Secretary Carlos Dominquez III.