-- Advertisements --

Ipambibili ng COVID-19 vaccine ni Equatorial Guinea Vice President Teodorin Nguenna Obiang Mangue para sa kaniyang mamamayan ang mga nakumpiskang mamahalang gamit sa kaniya.

Ito ang naging desisyon ng US Department of Justice sa mga nakumpiskang ill-gotten wealth ni Mangue.

Aabot sa $27-milyon ang halaga ng mga luxury cars kabilang na ang $275,000 jewel-encrusted na gloves ng pumanaw na si Michael Jackson.

Inilabas ang desisyon ng korte matapos ang 2014 forfeiture agreement sa pagitan ng US at Obiang.

Inakusahan kasi ang Vice President na nakuha nito ang mga assets sa iligal na pamamaran.

Ayon pa sa US Department of Justice na mapupunta sa United Nations ang $19.25 milyon para sa pambili ng bakuna sa Central African country habang ang $6.35 milyon ay ipapasakamay sa US-based charity para sa pagbili at pamamahagi ng mga gamot at medical supplies sa a Equatorial Guinea.

Base sa settlement agreement sa pagitan ni Obiang na ibebeneta nito ang kaniyang mansion sa Malibu, California na nabili sa halagang $30-M, Ferrari na kotse at ilang memorabilla ni MIchael Jackson.

Binibigyan din ng kapangyarihan ang US na itago ang $10.3-M ng mga napagbentahan habng ang natitirang pondo ay igagastos sa mga programa para sa benepisyo ng mga mamamayan ng Equatorial Guinea.