-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ikinaalarma ng PNP ang mga nadagdagang mga investment scheme sa buong probinsya ng South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Lt. Col. Joel Limson, provincial director ng South Cotabato PNP, inihayag nito na sumulat na ang kanilang tanggapan sa mga local chief executive sa bayan ng Surallah, Koronadal at Polomolok, South Cotabato upang mahinto ang mga naitalang mga investment schemes.

Ayon kay Limson, umabot na sa limang investment companies ang kanilang naikot sa lungsod ng Koronadal, lima sa bayan ng Polomok at dalawa naman sa Surallah sa nasabing probinsya.

Kinumpirma din ni Limson na walang kaukulang business permit ang nasabing investment companies na kung saan kanilang ng kinoconsiladate ngayong linggo.

Kaugnay nito hinihikayat din ng South Cotabato PNP ang mga LGUs upang tuluyan nang mahinto ang iligal na aktibidad na ito at upang hindi na dumami pa ang mga biktima nito.