Patuloy na isinasailalim sa assessment ang danyos na iniwan ng super typhoon ‘Pepito’ sa sektor ng pagsasaka sa Nueva Vizcaya, ang isa sa mga pangunahing dinaanan ng naturang bagyo.
Ngayong araw (Nov. 18), kasabay ng tuluyang paghupa ng bagyo, tumambad sa mga magsasaka sa Brgy. Villa Coloma, Bagabag, Nueva Vizcaya. Ang mga namatay na baka na pinaniniwalaang nalunod kasunod ng malawakang pagbaha dulot ng bagyo.
Ayon sa provincial government ng Nueva Vizcaya, may ilan pang mga magsasaka sa Vizcaya na nag-ulat na ng kahalintulad na pangyayari at patuloy na isinasailalim sa assessment at validation.
Inaalam na rin ng provincial government ang kabuuang bilang ng mga nasawing livestock at poultry sa sektor ng paghahayupan upang maihanda ang kinakailangang tulong para sa mga magsasaka
Maalalang dumaan ang bagyong Pepito sa naturang probinsya matapos itong mag-landfall sa ikalawang pagkakataon sa probinsya ng Aurora.