-- Advertisements --
Nagtala ng biglaang pagtaas ng bilang ng mga nasasawing doktor sa bansang Indonesia dahil sa banta ng Delta variant ng coronavirus.
Mula Hulyo 1-17 ay mayroong 114 doctors na ang nasawi.
Ang nasabing bilang ay 20 percent ng 545 na kabuuang doctor na nasawi mula sa COVID-19 ng magsimula ang pandemic.
Dahil dito ay nababahala ang Indonesian doctors association.
Kahit na tumaas ang nasabing bilang ay binibilisan ng gobyerno ang kanilang pagpapabakuna kung saan nasa 95% na mga medical workers ang naturukan ng COVID-19 vaccine.