BACOLOD CITY – Hindi na nakikita ng mga residente sa India ang kanilang kaanak na namatay dahil sa COVID-19 bago ang cremation nito.
Sa interview ng Bombo Radyo Bacolod kay Kimberly Saxena, nakatira sa Moradabad City, Uttar Pradesh, India, namatay ang kanyang mother-in-law dahil sa coronavirus.
Abril 1 ng nilagnat si Saxena at mister nito at nadiagnose na positibo sa covid ang kanyang asawa noong Abril 4.
Nag-isolate ang mister nito sa ospital habang nag-home quarantine naman ang Pinay.
Ngunit lumipas ang ilang araw, nilagnat naman ang kanyang biyenan na babae at kanyang panganay na anak na tatlong taong gulang.
Abril 7, isinailalim sa covid test si Saxena kasama ang pamilya nito at anim sila sa kanilang bahay ang nagpositibo sa virus.
Ayon dito, nag pabalik-balik ang lagnat ng kanyang biyenan na babae hanggang nagfluctuate ang oxygen level nito noong Abril 12 at napilitan silang dalhin sa ospital.
Naging manageable ang oxygen level ng kanyang biyenan sa loob ng apat na araw ngunit noong Abril 17, inintubate ito.
Sa parehong araw, nakalabas sa ospital ang kanyang mister ngunit makalipas ang ilang oras, nabalitaan nilang namatay ang kanyang biyenan.
Kaagad na ikicrenimate ang labi ng kanyang biyenan kaya hindi na nila nakita.
Sa parehong oras ayon kay Saxena, hindi pa dumarami ang COVID positive sa India kaya sumailalim sa nakaugaliang cremation ang labi ng kanyang biyenan.
Sa sumunod na araw ayon sa Pinay, nag-umpisa ang biglang pagdami ng mga covid patients kayat hindi na magkanda ugaga ang mga doctor at lampas na sa kapasidad ng mga crematorium ang namamatay bawat araw.