Kinumpirma ng Department of Health na bumaba ang bilang ng mga naitatalang namamatay dahil sa kaso ng leptospirosis.
Sa kabila nito ay tumaas naman ang bilang ng naturang sakit.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa kabuuang 7,234 na kaso ng leptospirosis ang naiatala as of Nobyembre 23, 2024.
Ito ay katumbas ng 19% na pagtaas sa kaso ng naturang sakit sa parehong panahon noong 2023.
Ang Fatality Rate naman ay katumbas ng 9.12% na pagbaba kumpara sa naitalang rate noong 2023 na umabot sa 10.83%.
Ayon sa ahensya, ang tamang paggamit ng prophylaxis at mas maagang kusultasyon sa doctor ang ilan sa mga dahilan kung bakit bumaba ang bilang ng mga namamatay.
Hinimok din nito ang lahat na palagiang maghugas ng kamay , katawan at gumamit ng sabon kung dumaan sa tubig baha.
Ito kase ay maaaring kuntaminado ng ihi ng daga na may leptospirosis.