-- Advertisements --

Natukoy na ang Philippine Navy ang mga barkong pandigma na unang namataan sa karagatang sakop ng Bicol region at dating pinaniniwalaang mga warship ng China.

Ayon sa Naval Forces Southern Luzon, ang mga naturang barko ay hindi mula sa China bagkus ang mga ito ay pawang mula sa Amerika, Japan, at France.

Ang mga ito ay nagsasagawa ng Naval Exercise sa karagatan, sa ilalim ng Exercise Pacific Stellar 2025.

Sa US Navy, kinabibilangan ito ng mga barko:

USS Carl Vinson (CVN-70) Nimitz-class carrier
USS Princeton (CG-59) Ticonderoga-class guided missile cruiser
USS Sterrett (DDG-104) Arleigh Burke-class guided missile destroyer
USS William P Lawrence (DDG-110) Arleigh Burke-class guided missile destroyer
USS Emory S Land (AS-39) submarine tender

Sa Japan Maritime Self-Defense Force, kabilang dito ang mga barkong JS Kaga (DDH-184) helicopter carrier, at JS Akizuki (DD-115) Akizuki-class destroyer habang ang FS Charles De Gaulle (R-91) aircraft carrier naman ang ipinadala ng France.

Maalalang pangunahin sa mga nag-share sa video ng mga naturang barko ay ang social media page ni Jose Panganiban Mayor Ariel Non ng Camarines Norte.

Ayon sa PN, walang dapat ipangamba ang publiko sa mga naturang barko dahil ang mga ito ay pawang bahagi ng malawakang maritime drill.