Umakyat na sa 40 ang bilang ng mga indibdiwal na nasawi mula sa mga naranasang pag-ulan at malawang pagbaha dahil sa epekto ng low pressure area, shear line at northeast monsoon simula pa noong Enero 2 base sa latest disaster bulletin mula sa Office of Civil Defense (OCD).
Nasa 20 dito ang kumpirmadong namatay kung saan 9 dito ay mula sa Zamboanga Peninsula, 7 mula sa Eastern Visayas, 2 mula sa Northern Mindanao at tig-isa naman mula sa Mimaropa at Davao region.
Sa ngayon patuloy pa rin ang isinasagawang validation sa 20 iba pa na mga nasawi na mula sa Bicol, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Soccsksargen.
Umaabot na rin sa PHP885.16 million ang inisyal na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at PHP520.05 million naman sa sektor ng imprastruktura kung san mayroong napaulat na mahigit 1,800 kabahayan na nasira.
Nananatili namang apektado ang nasa mahigit 400,000 pamilya o nasa 1.9 million indibdiwal dahil sa epekto ng masamang lagay ng panahon.