Pumalo na sa 31 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Odette sa bansa.
Pero ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nananatili raw sa apat ang death toll at ang 27 ay kailangan pang i-validate.
Nasa tatlong katao naman ang napaulat na sugatan at isa ang nawawala dahil sa hagupit ng naturang bagyo.
Sa ngayon, umabot na sa 373,110 ang apektado ng naturang bagyo.
Nasa 99,501 namang pamilya ang apektado sa 1,358 barangay sa MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 8, Region 10, Region 11, CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region ni Muslim Mindanao (BARMM).
Kabuuang 309,814 ang displaced persons o 81,595 na pamilya ang kasalukuyang nananatili sa 2,283 evacuation centers.
Nananatili naman sa labas ng evacuation centers ang nasa 19,033 displaced persons o 4,613 na pamilyang apektado ng bagyong Odette.