-- Advertisements --
COLORADO SHOOTING LGBTQ

Nakilala na ng mga opisyal ng Colorado Springs ang limang biktima ng pamamaril na namatay at ang dalawang bayani na humadlang sa nangyaring kaguluhan sa loob ng LGBTQ nightclub kung saan nagpaputok ang isang gunman noong Sabado ng gabi.

Nasa 17 katao ang nasugatan sa pamamaril.

Sinabi ng pulisya na hindi pa nila matukoy ang motibo, ngunit sinabi ng alkalde ng lungsod at LGBTQ rights groups na ang pag-atake ay may mga palatandaan ng isang hate crime.

Ang suspek na isang 22-taong-gulang na lalaki, ay nanatiling nasa ilalim ng hospital arrest, marahil ay dahil sa mga pinsalang natamo nang hampasin siya ng isang former Iraq and Afghanistan war veteran.

Matagumpay na pigilan nito ang pag-atake sa Club Q, ang angalawang pinakamalaking lungsod sa Colorado.

Ang Club Q, isa sa mga tanging lugar para sa mga LGBTQ na magtipun-tipon sa Colorado Springs.