-- Advertisements --
typhoon hinnamnor

Maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Typhoon Hinnamnor sa South Korea.

Nasa tatlo (3) na ang patay, walo (8) ang missing habang nasa 4,600 na mga resident ang lumikas sa kanilang mga bahay.

Nang dahil sa lakas ng baha, nasa 160 buildings ang nasira base sa assessment ng kanilang gobyerno.

Ang mga lugar na lubos na naapektuhan ng sama ng panahon ay ang rehiyon ng Jeju, Ulsan, Busan at Pohang.