Umakyat na sa 1,563 ang bilang ng mga sibilyang nasawi simula nang salakayin ng Russia ang Ukraine, ayon sa United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR).
Sa pinakahuling datos, nakapagtala ang UN agency ng nasa 3,776 na mga civilian casualties ang Ukraine kung saan 2,213 dito ay pawang mga sugatan nang dahil pa rin sa nasabing digmaan.
Kabilang ang mga lungsod ng Mariupol, Volnovakha sa Donetsk region, Izium sa Kharkiv region, Popasna sa Luhansk region, at Borodianka sa Kyiv, sa mga lugar na sinasabing maraming civilian casualties.
Samantala, naniniwala naman ang United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR) na ang aktwal na bilang ng mga namatay at apektado ng nasabing kaguluhan ay mas malaki pa kumpara sa mga nabanggit na datos.