Nagbabala ngayon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga indibidwal na namemeke ng RT-PCR test results na sila ay mananagot sa batas.
Inatasan ni DILG officer-in-charge Undersecretary Bernardo Florece ang Philippine National Police (PNP) na hulihin at sampahan ng kaso ang mga namemeke ng RT-PCT tests results.
Ayon kay Florece isang krimen ang pamemeke ng resulta at punishable sa ilalim ng batas.
Panawagan ng DILG sa mga unscrupolous individuals na huwag matigas ang ulo dahil hindi sila tatantanan ng mga otoridad at sisiguraduhin na makukulong ang mga ito.
Sinabi ni Florece, patung patong na kaso ang kahaharapin ng mga indibidal na mahuhuling namemeke ng RT PCR test gaya ng paglabag sa RA No.11332 Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at Section 1-b ng RA 11332 tampering of records relating to notifiable disease kabilang ang medical test results, medical certificates at records na inisyu ng public health authorities is punishable by law.
Direktiba rin ni Florece sa PNP na higpitan ang mga entry points sa mga turista at mga bumibiyahe ng sa gayon matiyak na nasusunod ang IATF protocols at ang LGUs ay compliant sa minimum health standards.
Giit ng opisyal, nais na nilang iwasan na maulit ang insidente sa Boracay kung saan anim na Metro Manila residents ang nakapasok sa isla matapos iprisinta ang pekeng RT-PCR test certifications.
Panawagan ni Florece sa publiko na makiisa sa pamahalaan lalo na sa COVID-19 protocols dahil hindi pa tapos ang nararanasang pandemya ng bansa.