CENTRAL MINDANAO-Ginanap ang isang inaugural Session ng Sangguniang bayan ng Pagalungan Maguindanao sa pangungunan ni Vice-Mayor Abdila Mamasabulod.
Kasabay ito ng pag-upo ng mga bagong halal na opisyal na nanalo sa nakaraang eleksyon.
Dumalo ang mga department heads,mga opisyal ng MNLF, MILF, militar, pulisya, academe at ibat-ibang sektor.
Sinusulong ni Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod ang mga proyektong pakikinabangan ng taong bayan lalo na sa mga mahihirap na pamilya ng bayan.
Tutukan rin ng Alkalde ang dekada-dekadang gulo o alitan sa pamilya para sa mapayapang negosasyon katuwang ang militar,pulisya,MILF,religious group,GPH Peace Panel at ibang sektor.
Prayoridad ni Mamasabulod na tapusin ang mga proyektong direktang pakikinabangan ng Mamamayan kagaya ng Bus Terminal,Palengke at iba pa.
Pagkatapos ng inaugural session ay ginanap sa Municipal Gym ang Thanksgiving o kanduli ng mga nanalong kandidato.
Lahat ng mga opisyal ay naghayag ng kanilang pasasalamat at nangakong isusulong ang kapakanan ng taong bayan kasabay nang pag-upo nito sa pwesto.