-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpasalamat si Kabacan, North Cotabato Municipal Mayor Herlo Guzman Jr. matapos na mabigyan ng isa pang termino para paglingkuran ang bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi ng alkalde matapos na manumpa na isinagawa sa municipal gymnasium kasama ang mga bago at muling naihalal na mga opisyal ng bayan.

Nanumpa ang mga nanalong kandidato sa harap ni Executive Judge Regional Trial Court Branch 16 at 22 Judge Alandrex Betoya.

Dinaluhan ito ng walong mga konsehal ng bayan, incumbent Vice-Mayor Myra Dulay Bade, incumbent at Mayor-elect Herlo Guzman Jr.

Nais ipagpatuloy ni Mayor Guzman ang kanyang mga nasimulan na mga proyekto at programa para sa lalong ika-uunlad pa ng Kabacan.

Ipinagmalaki rin ni Guzman ang patuloy na pagbuhos at paglago ng mga malalaking negosyo sa bayan ng Kabacan.

Samantala, nagpaalala naman si Municipal Local Government Operations Officer Ranulfo Martin sa lahat ng tumakbo sa nagdaang eleksyon na magsumite ng kanilang Statement of Contribution and Expenditure (SOCE) bago paman ang nakatakdang deadline ng Commission On Election.