ILOILO CITY – Sasampahan ng kaso ng militar ang mahigit 10 incumbent politician sa Western Visayas na umano’y financier o tumutulong sa New People’s Army (NPA).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Col. Joel Benedict Batara, commanding officer ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army, sinabi nito na ayon sa kanilang imbestigasyon, mayroong 40 politiko na umano’y supporter ng NPA ang tumakbo sa nakaraang May 13 midterm elections.
Ngunit ayon kay Batara, 10 lamang sa kanila ang nanalo.
Sinabi ni Batara na kasong paglabag sa Republic Act 10168 o ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 ang kakaharapin ng 10 nagwaging kandidato.
Tumanggi naman si Batara na pangalanan ang nasabing mga politiko.
Ani Batara, naisumite na ang listahan sa Central Office ng Philippine Army.