-- Advertisements --
Bong Go

Hinamon ni Senador Christopher “Bong” Go ang lahat ng mga nanalo sa katatapos lamang na Barangay at SK Elections na gawin ang kanilang mandato at magsilbi nang maayos sa taumbayan.

Giit ni Go, unahin palagi ng mga nanalong barangay officials ang interes at kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

Aniya, sa pagpasok ng mga bagong halal sa barangay sa public service, palaging tatandaan na ang public office ay public trust.

Hiniling din ng Senador sa mga bagong opisyal ng mga barangay na pangalagaan ang ibinigay na tiwala sa kanila ng mga kababayan.

Kinilala rin ni Go ang mga guro, mga principals, school officials na boluntaryong tumulong ngayong BSKE para sa tahimik at maayos na halalan.

Hinamon din nito ang mga natapos na ang termino na ipagpatuloy pa rin ang pagkakaisa para sa ikabubuti ng kanilang mga komunidad.

Top