-- Advertisements --

Dumarami na ang mga nananawagan na sa gobyerno ng India na dapat magpatupad na sila ng national lockdown.

May kaugnayan ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kabilang na nananawagan kay Indian Prime Minister Narendra Modi na magpatupad na ng national lockdown ay si US National Institute of Allergy and Infectious Disease director Anthony Fauci.

Ayon kay Fauci na ginawa na ng ilang estado ng India at dapat ipatupad na ito sa buong India para tuluyan ng maputol ang pagkakahawaan .

Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng lockdown dahil ito ang siyang magpuputol sa nasabing paggalaw ng outbreak.

Magugunitang sa isang araw lamang ay aabot na sa 3,754 na kaso ang naitala sa loob lamang ng isang araw.