-- Advertisements --

Nasa halos 6, 000 na mga drug suspek ang napapatay dahil sa drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang nasabing bilang base na rin sa Real Numbers ng PDEA na mayroong kabuuang 5,903 ang bilang.

Mula rin sa Agosto hanggang Setyembre ay mayroong 438 dito ay government employees, 356 ang elected officials at 102 uniformed personnel.

Magugunitang pinuna ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang drug war ng bansa na makailang beses na pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kagagawan umano ng mga kapulisan at sundalo ang mga napapatay na sangkot sa iligal na droga.