Nasa mahigit 6,000 katao ang napatay sa ‘war on drugs’ sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na aabot sa 224,215 ang kabuuang bilang na isinagawa nilang anti-drug operation mula Hulyo 1, 2016 hanggang Disyembre 31, 2021.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng 323,579 katao at pagkakasawi ng 6,225 na mga sangkot sa iligal na droga.
Umabot rin sa mahigit 4,000 na mga menor-de-edad na ginagamit sa transaksyon sa iligal na droga ang kanilang nailigtas.
Sinabi PDEA Director Derrick Carreon na karamihan sa mga bata ay ginagamit bilang couriers ng mga tulak sa droga.
Nasa mahigit P75 billion na halaga ng mga droga ang kanilang nakumpiska mula ng ilunsad ang kampanya na kinabibilangan ng 160,111 kilos ng ecstacy, 9,850 kilos ng shabu at 9,429 kilos ng marijuanas at 524 kilos ng cocaine.
Sa mga naaresto ay 395 dito ang elected government officials at 196 naman ang mga uniformed personnel.
Nasa mahigit 24,000 na barangay sa bansa ang idineklara ng drug-free na ng PDEA.