CENTRAL MINDANAO- Umakyat na sa mahigit 17,000 indibidwal ang napauwi sa lalawigan ng Cotabato sa pamamagitan ng Task Force Sagip Stranded North Cotabateños.
Sa 17,027 na kabuuang bilang, 15,700 rito ay mga Locally Strandred Individuals (LSIs) habang ang nalalabing 1,327 ay mga Returning Overseas Filipinos (ROFs).
Nangunguna sa may pinakamaraming residente na napauwi ay residente ng Midsayap na may 1,903, 1,540 sa Kidapawan City, 1,522 sa Mlang, 1,326 sa Kabacan, 1,209 sa Banisilan, 1,037 sa Makilala, 955 sa Pikit, 938 sa Tulunan, 880 sa Alamada, 856 sa Carmen, 845 sa Pigcawayan, 753 sa Pres. Roxas, 641 sa Arakan, 617 sa Magpet, 580 sa Libungan, 505 sa Antipas, 476 sa Matalam at 444 sa Aleosan.
Samantala, nagpahayag naman ang TF Sagip Team na magpapatuloy ito sa pagpapauwi sa mga residente ng lalawigan na naabutan ng lockdown o nawalan ng trabaho sa ibang lugar.
Sa mga nais umuwi sa tulong ng TF Sagip Stranded Cotabatenyos, maaari lamang mag-contact sa mga numerong 0951-826-6358 para sa mga naninirahan sa 1st district municipalities, 0951-826-6356 sa 2nd district at 0961-578-3048 sa 3rd district.