-- Advertisements --

Umabot na sa halos 23,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Batay sa datos ng Department of Transportation (DOTr), nakapagtala na ng kabuuang 22,918 ang naserbisyuhan sa ilalim ng “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” Program.

Sa nasabing bilang, 6,275 ang naihatid by land, 11,786 ang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula Mayo 25 hanggang Hunyo 4.

Habang 4,857 naman ang bumiyahe sa pamamagitan ng barko mula Abril 27 hanggang Hunyo 4.