-- Advertisements --
Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na tumestigo sa kanilang natunghayan vote-buying activities.
Partikular na pinatutungkulan dito ni Comelec Commissioner George Garcia ang mga nagpo-post ng kanilang reklamo sa social media.
Iginiit ni Garcia na hindi dapat babalewalainang mga social media post hinggil sa vote-buying activities kaugnay sa nalalapit na halalan.
Pero kung social media post lang, maari aniyang hindi ito uusad at maging ganap na kaso na may probable cause.
Kailangan aniyang tumestigo rito ang nag-post o kumuha ng video sa inirereklamong vote-buying activities.
Sinabi ni Garcia na mahirap mag prosecute ng mga krimen tulad ng vote-buying activities dahil mahirap ding makahanap ng ebidensya.