-- Advertisements --
ILOILO CITY – Maaari pa umanong madagdagan ang bilang ng mga itinuturong narco-politician sa Western Visayas.
Ito’y kasunod ng pag-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong narco-list kung saan limang opisyal sa rehiyon ang napasama sa listahan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PDEA-6 Region Director Alex Tablate, sinabi nito na patuloy ang kanilang pangangalap ng ebidensya laban sa mga itinuturong narco-politician.
Ang mga nasabing impormasyon ayon kay Tablate ang kanilang ipinasa sa PDEA national office at sa Department of Interior and Local Government para sa validation.
Inihayag din ng PDEA regional director na may mga pangalan pa ng kandidato na hindi pa isinapubliko ni Duterte kung saan kailangan pa itong isailalim sa validation.