-- Advertisements --

Iniabot ng Taliban ang humigit-kumulang na $12.3 million at ilang ginto sa kanilang Da Afghanistan Bank (DAB), o ang katumbas na central bank ng bansa.

Ang mga narekober na pera at ginto ay mula sa bahay ng isang dating administration’s officials at local offices ng dating government’s intelligence agency kung saan ibinalik nila ito sa Da Afghanistan Bank’s treasury.

Tiniyak naman ng acting governor ng Da Afghanistan Bank ang kaligtasan ng mga nai-deposit ng mga Afghans sa mga commercial banks.

Pinatunayan daw ng mga opisyal ng Islamic Emirate ng Afghanistan ang kanilang pangako na transparency sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga assets sa national treasury.

Ang mga ulat na pag-freeze ng mga assets ng bangko ng Afghanistan ng Estados Unidos pati na rin ang paghinto ng mga pondo ng World Bank at ng International Monetary Fund (IMF) ay nagbigay ng mga alalahanin sa mga Afghans.

Noong Agosto 28, ang DBA ay nagbigay ng isang order sa lahat ng mga Central Asian country, na nagtatakda ng isang pansamantalang limitasyon na $200 o 20,000 Afghani para sa isang customer bawat linggo.

Kung maalala, matapos sakupin ang kabisera ng Kabul noong Agosto 15, inanunsyo ng Taliban ang pagbuo ng isang tagapag-alaga ng pamahalaan at noon namang Setyembre 7 ay humirang ng maraming ministro at isang gobernador sa sentral na bangko ng Afghanistan.