-- Advertisements --

Pinaalalahanan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga nasa A4 vaccination list ng gobyerno na magpalista sa kanilang mga sariling local government unit (LGU) para sila ay mapabilang sa COVID-19 vaccination priorities.

Karamihan din aniya sa mga LGU na nasa NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite ay mayroong kaniya-kaniyang online registration para sa kanilang mamamayan.

Tiniyak din nito sa publiko na marami pang mga bakuna ang inaasahang darating sa bansa.

Magugunitang inaprubahan ng gobyerno ang mga listahan ng mga manggagawa sa ilalim ng A4 economic frontliners na kinabibilangan ng mga commuter transport workers, public and private wet and dry market vendors, frontline workers sa groceries, supermarkets, delivery services, priest and religious leaders, overseas Filipino workers at maraming iba pa.